Maniwala Kang Kaya Mo

Maniwala Kang Kaya Mo

Habang ako ay nasa bus pauwi ay naalala ko po yung dating ako - yung dating ako na ayaw mag-explore, yung dating ako na ayaw lumipat dahil natatakot mag-isa at yung dating ako na laging nasa mindset na “hindi ko kaya iyan at mahirap iyan”.
Masasabi ko pong blessed ako dahil napalibutan ako ng mga taong may positive vibes at may growth mindset. Sabi nga po nila sa akin, "Paano mo sasabihing hindi mo kaya, e hindi mo pa nasusubukan?" Bago man po ako magpalipat nagtanong-tanong po ako kung sa tingin nila ay kaya ko na ba. Iisa lang po ang sagot nila sa akin, "Subukan mo para masagot mo iyang tanong mo."
At heto na po ang sagot sa mga tanong ko. Napaluha na lang ako sa tuwa dahil masasabi ko na ngayon na pasok na ako sa grupong strong, independent woman. Masasabi ko na yung dating ako ay kulang lang sa tiwala. Hindi tiwala sa ibang tao kundi tiwala sa sarili.